Ganz zn1_m4fn3 Manual de instalación - Página 4

Navegue en línea o descargue pdf Manual de instalación para Cámara de seguridad Ganz zn1_m4fn3. Ganz zn1_m4fn3 5 páginas. Pixelpro series

navigate sa programa. Malayang ibahagi ang inyong opinyon sa Parent Connect sa paaralan o tawagan kami para
sa anumang mga tanong o alalahanin na maaaring mayroon kayo.
PANAYAM NG MAGULANG/GURO
Ang layunin ng Parent Connect na Panayam ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga magulang na mag-sign
up para sa mga online na panayam ng Magulang/Guro, batay sa mga naitakda nang petsa at oras. Aabisuhan kayo
sa petsa kung kailan ninyo maa-access ang pagganang Interview (Panayam) sa Parent Connect bago ang mga
Komperensya ng Magulang/Guro/Estudyante sa Nobyembre at Marso.
Mula sa Parent Connect mayroong Interview (Panayam) na tab na nagpapahintulot sa mga magulang na alinman
sa tingnan at/o i-edit ang mga oras ng panayam. Mangyaring sumangguni sa mga halimbawa sa ibaba.
Ipinapakita ng kaliwang itaas ang (mga) estudyante, paaralan at (mga) tagapag-alaga. Kung kayo ay isang tagapag-
alaga o magulang para sa mahigit isang estudyante, gamitin ang pang-scroll na button para piliin ang naaangkop na
estudyante kung kanino ninyo gustong magpatakda ng panayam.
Kapag napili na ninyo ang petsa, oras at guro sa kaliwang talaan, kukumpirmahin ng talaan sa kanang bahagi ng
screen kung ano ang itinakda at isasama ang lahat ng estudyante sa inyong pamilya at ang mga napiling oras.
Ang "Select a Teacher" (Pumili ng guro) ay nagbibigay ng scroll bar kasama ang lahat ng gurong nagtuturo sa
estudyanteng ito. Nas ibaba nito ang isang kahon na nilagyan na ng check bilang default para limitahan ang
pagpipilian sa mga gurong nagtuturo sa estudyanteng iyon.
Tandaan: Para makita ang higit pang mga petsa o oras, i-click sa Next (Susunod).
Maaari ninyong gamitin ang "Limit to Date" (Limitahan sa Petsa) at "Start/Stop" (Simula/Pagtapos) para sa mga
partikular na petsa at oras. Halimbawa, kung libre lang kayo ng isang gabi, limitahan sa ngayong gabing ito at
aayusin ang mga guro ayon sa pagkakasunud-sunod ng available na timeslot (hindi ang parehong guro na
nagpapakita ng lahat ng kanilang available na mga oras). Maaari kayong magtakda ng mga panayam nang hindi
magkakahiwalay na pumupunta sa bawat indibiduwal na guro.